Ang Anatomya ng Baybayin™ Booklet Edition 2024 ni John NL Leyson ay ang paunang limbag ng serye ng aklat na Anatomya ng Baybayin na na-ilabas nuong April ng taong 2024 sa ilalim ng LRN Filipino (London Filipino Centre CIC), London, United Kingdom. Dito kauna-unahang ipinakita ni G. Leyson ang bunga ng kanyang mahigit na 5 taong pananaliksik sa kasaysayan ng Baybayin (na kanyang sinimulan nuong 2019 sa London), lalu na ang posibleng pinagmulan nito na naka-ugnay sa matandang kasaysayan ng mga panulat sa mundo.
Binigyan rin nya ng sistematiko o metodikal na pagkaka pangkat-pangkat ang mga anyo na bumubuo sa mga titik ng Baybayin gaya ng mga Major forms Ulo ng Kalabaw at Kagitingan, ang mga minor forms na Balay, Unawa at Ilog. Ang pagpapangkat-pangkat na ito ay kapakipakinabang sa mabisang pagtuturo at pag-aaral ng Baybayin, lalu na sa konteksto nang pang silid-aralin.
Isa sa mahahalagang aspeto ng pananaliksik na ito ay ang natatanging paraan ng pagsusuri sa ugnayan ng Baybayin at sinaunang kasaysayan ng pagsulat. Ang kakayahan ni G. Leyson na matukoy ang mga paulit-ulit na huwangis (shapes & pattern) at pagkakahawig ng mga istruktura sa iba’t ibang sistema ng pagsulat ay nagmula sa kanyang propesyon at pagiging eksperto sa visual communication at brand design. Nagkataon na natuklasan niya ang mga natatagong anyo hanggang sa nauwi sa masusing pag-aaral, na nag-uugat naman mula sa kanyang masidhing adhikain para sa Baybayin. Dahil sa natatanging pamamaraan ito, natukoy niya ang mga anyo at huwangis na maaaring hindi kapansin-pansin sa tradisyonal na lingguwistiko o makasaysayang pagsusuri.
Kabahagi rin ng mga natalakay sa Anatomya ng Baybayin ay ang isyu ng Rehiyonalismo (Regionalism), na sa kanyang pananaliksik ay lumalabas na ang mga katutubong panulat ng Pilipinas ay hindi iba't ibang panulat kundi iisa lamang dahil ang mga ito ay may iisang pinagmulan o single origin.
Higit pa rito, isa rin sa mapanghamong kaisipan na tinalakay ni G. Leyson ay ang posibleng pagbubukas ng panibagong timeline sa kasaysayan ng Pilipinas, na maaari pa itong umatras sa mga panahong 3200 - 1850 BC dahil sa malinaw na kaugnayan ng mga anyo ng matandang panulat tulad ng Heroglipiko ng Ehipto, na nakakubli sa mga titik ng Baybayin.
Inaanyayahan ang bawat isa, mula sa mga mananaliksik, mga nasa pag-aaral ng kasaysayan at maging ang mga tagapagturo at tagatangkilik ng Baybayin na basahin at bigyan ng malalim na panunuri ang aklat na ito ni G. Leyson upang makadagdag sa bagong kaalaman sa pag-aaral ng ating mga katutubong panulat na Baybayin.
"Sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pag-unawa sa mga hugis, anyo, at hulwaran na nakakubli sa bawat titik, sa bawat karakter ng Baybayin, libo-libong taon ng kasaysayan ang magsisimulang lumitaw na magbibigay ng liwanag."
John NL Leyson, 2019